My mga tao tlgang
perpekto.-walang kasiraan, malinis, mabuti. Iyong Diyos ba na nakulong sa
katawan ng tao, aniya nila .Eh kung gayon, “Nasa iyo na nga ang lahat” sabi nga
ni Daniel. Naku napakarami diyan sa labas, eh halos wala ka na ngang makitang
hindi perpekto. Napaka puti, kumikinang. Noong nakaraan nga lang, my nagtanong,
“Uy, san kna nagtuturo?” Sabi ko, “ ah sa Iram, layo nga eh pero msya nman” “
Hindi ba puro ita doon, tsaka madami amoy %$#@$^? (sabay tawa) sabi ko nalang,
“Hindi nman lahat. Sa isang klase mga tatlo o apat” Napakarami nilang nasasabi
pag naririnig ang lugar na iyon.Ewan ko nga ba? Napakaperpekto. Di q naman
gusto makipag away , hindi nman ako ganun. Sabi ko nalang, “ Hindi lamang nila
alam” sabay lakad. Siguro nman walang kokontra kung sabihin kong tao din nman
sila: nag aaral, kumakain ( hindi nga lamang kapareha ng iba ibang putahe na
nasa hapagkainan ninyo), naglalaro, tumatawa, at NANGANGARAP. Oo meron sila
non. Malaki , malawak, makulay. Hindi man magara ang damit nila, ang iba may
anak na, oo meron. Bakit? Mas nanaisin pa ng ibang magulang na mag asawa ang
anak nila kaysa magutom sa piling nila. Mas makakatipid nga sila pag nawala ang
isa sa pamilya.—saklap..ang iba may pumapasok ng di nag almusal, ang iba my
nagtratrabaho sa murang gulang, ang iba may maitim , marungis .Totoo lahat un
pero hindi namn dahilan yon para huminto sila at magalit sa mundo. Doon ko natutunan ang napaka payak na
pamumuhay pero napaka saya. Sa kabila ng kakulangan nila pinansyal at iba’y pag
aaruga, masaya sila. napakasaya. Gumising kana. Habang maaga pa. kung kala mo
perpekto ka, Hindi. Hindi mangayayari. Ganda ng porma mo, bago pa nga cellphone
mo. My silbi kaba? . tulungan mo sila. Mag guro ka. Mag aral ng mabuti. Malay
mo sa mga darating na panahon, magsusulat ka din. Mas mahaba. Mas malalim. Mas
may puso. Alam ko darating iyon, malalama’t malalaman mo lamang ang isang bagay
kapag nakikita mo, nararanasan mo at
higit sa lahat nararamdaman mo. Totoo, tagos sa puso.
No comments:
Post a Comment