Sumusobra kana !!! eto ka oh
&^$%&*!!! Pag pasok ko, ikaw nasa isip ko! Pag uwi ko ikaw padin !
Hindi naman ako ganito dati, bakit ngayon …. Ahhh ewan!!! Natulog ako , Bakit ikaw pa din? Hindi naman
kita kaano- ano. malayo- milya milya. Kapag pasok ko, sasalubungin mo ako, Mag
go-good morning ka pa nga! Sa araw araw nalang na ginawa ng Diyos ayan bati mo
sakin? Wala nabang iba?. Pwede namang oy, pasagasa ka, oy matuluyan kana sana.
Pag uwi ko , babati ka padin , paalam po , ingat po! Naku! Bahala ka sa buhay
mo. Noong nakaraan nga,nagpabili ako ng pagkain, sabi ko sayo na sukli,
ibabalik mo pa? sayo nga iyon! Sa iyo! Nung nagtanong ako, Oh pambili mo yan ng
pagkain, bakit binigay mo ba sa kapatid mo? Nung nakaraan, kumakain ako, tingin
ka ng tingin, gutom ka din ba? Parehas lang tayo. Eh bakit noong pauwi ka,
naglakad ka lang? Ang layo non ha! Naku nasisiraan kana ata ng bait. Tanghali
na , bakit d kpa umuwi? Anak ng.. Alam
mo, ang bait mo! Nyo! Kayo! Oo! . Hindi ako bulag , alam ko nangyayari. Pinaluha mo ako. Ang sakit! Ramdam ko! Hindi naman
ikaw ako! Bakit? Pighati , gutom, uhaw, naranasan ko din pag nakikita kita. Ang lungkot, pero bakit sayo parang wala lang?
Sumusubra kana!
Wednesday, December 18, 2013
Isang dakot na pawis
My mga tao tlgang
perpekto.-walang kasiraan, malinis, mabuti. Iyong Diyos ba na nakulong sa
katawan ng tao, aniya nila .Eh kung gayon, “Nasa iyo na nga ang lahat” sabi nga
ni Daniel. Naku napakarami diyan sa labas, eh halos wala ka na ngang makitang
hindi perpekto. Napaka puti, kumikinang. Noong nakaraan nga lang, my nagtanong,
“Uy, san kna nagtuturo?” Sabi ko, “ ah sa Iram, layo nga eh pero msya nman” “
Hindi ba puro ita doon, tsaka madami amoy %$#@$^? (sabay tawa) sabi ko nalang,
“Hindi nman lahat. Sa isang klase mga tatlo o apat” Napakarami nilang nasasabi
pag naririnig ang lugar na iyon.Ewan ko nga ba? Napakaperpekto. Di q naman
gusto makipag away , hindi nman ako ganun. Sabi ko nalang, “ Hindi lamang nila
alam” sabay lakad. Siguro nman walang kokontra kung sabihin kong tao din nman
sila: nag aaral, kumakain ( hindi nga lamang kapareha ng iba ibang putahe na
nasa hapagkainan ninyo), naglalaro, tumatawa, at NANGANGARAP. Oo meron sila
non. Malaki , malawak, makulay. Hindi man magara ang damit nila, ang iba may
anak na, oo meron. Bakit? Mas nanaisin pa ng ibang magulang na mag asawa ang
anak nila kaysa magutom sa piling nila. Mas makakatipid nga sila pag nawala ang
isa sa pamilya.—saklap..ang iba may pumapasok ng di nag almusal, ang iba my
nagtratrabaho sa murang gulang, ang iba may maitim , marungis .Totoo lahat un
pero hindi namn dahilan yon para huminto sila at magalit sa mundo. Doon ko natutunan ang napaka payak na
pamumuhay pero napaka saya. Sa kabila ng kakulangan nila pinansyal at iba’y pag
aaruga, masaya sila. napakasaya. Gumising kana. Habang maaga pa. kung kala mo
perpekto ka, Hindi. Hindi mangayayari. Ganda ng porma mo, bago pa nga cellphone
mo. My silbi kaba? . tulungan mo sila. Mag guro ka. Mag aral ng mabuti. Malay
mo sa mga darating na panahon, magsusulat ka din. Mas mahaba. Mas malalim. Mas
may puso. Alam ko darating iyon, malalama’t malalaman mo lamang ang isang bagay
kapag nakikita mo, nararanasan mo at
higit sa lahat nararamdaman mo. Totoo, tagos sa puso.
Subscribe to:
Posts (Atom)