Friday, January 3, 2014

Takot kaba?

Takot kaba sa sarili mong multo? Anong problema mo? Nanginginig kaba? Nagngangalit.. Nasaan ang malayang pagpapahayag? Pati ba sa sarili naming mundo, papasok ka? Hindi ka man lang kumatok. Pagbubuksan naman kita pero hindi kita papapasukin. Diyan ka lang sa tapat. Hindi dapat pinapapasok ang taong walang malawak na pananaw, sarado ang isipan, makitid.Bakit ako matatakot? Baluti ko ang aking karapatang magpahayag.Baka tanungin mo ako? Oo responsableng pamamahayag.Pananggalang ko ang aking mabuting nais. Bakit ako matatakot? Sa bawat duro mo, sa bawat pag padyak ng paa mong dala ay dagundong ng paghamak at pagkundena, daan- daan, libo- libong BIBIG ang iyong binubusalan. Baka mapatay mo sila? Ngayon, bakit? Kung wala kang ginagawang masama, bakit ka matatakot? Takot ka ba sa sarili mong multo?